Sa huling araw ng filing period para sa 2019 elections sa Commission on Elections (Comelec) provincial office, naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Sangguniang Panlalawigan ang tour guide na si Deo Fausto na tatakbo bilang independent o walang partido.
Kung sakaling manalo, balak umano ni Fausto na mas lalong pagandahin ang turismo ng Romblon at siguraduhing handa ang probinsya pagdating rito.
Sinabi rin nito na gusto niyang ipakita na hindi hadlang ang kakulangan ng pera o budget para makatakbo sa darating na election.
Suportado naman ni Fausto ang kandidatura ni dating Calatrava Mayor Robert Fabella na tatakbo sa pagka-Gobernador ng probinsya.




































