Magreretiro na umano sa politika si Congressman Emmanuel Madrona matapos mapagdesisyunan nitong hindi na tumakbo sa ano mang posisyon sa Gobyerno sa susunod na Election 2019.
Ayon sa talumpati ni Congressman Madrona nitong Miyerkules sa harap ng mga taga-suporta nito, 1988 pa umano siya nasa government service at gusto niya na magretiro.
Sinabi rin nito na isa ring dahilan kung bakit hindi na siya tatakbo ay ang kanyang kalusugan. Ipinaliwanag nito na hindi na umano nakakaranig ang isa niyang taenga kaya kung minsan di umano ay akala ng tao ay hindi siya namamansin.
Si Congressman Madrona ay nagsilbing alkalde ng San Agustin, Romblon ng anim na termino bago ito maupo bilang Congressman ng Lone District ng Romblon noong 2016.
Dahil sa hindi pagtakbo ni Congressman Madrona, ang kapatid nitong si dating Congressman Eleandro Madrona ang tatakbo sa darating na 2019 election.
Pinasalamatan naman ng kanyang mga taga-suporta ang Congressman dahil sa tulong nito sa lalawigan ng Romblon at sa bayan ng San Agustin mula noong maupo ito sa pwesto.