Nagpaalala nitong Biyernes, September 28, ang opisina ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng lalawigan ng Romblon na ipinagbabawal umano ng batas ang pagsasagawa ng fundraising o pagsosolicit ng walang kaukulang permit.
Sa facebook post ng FB Page ng PSWDO, sinabi nila na kinakailangang may solicitation permit ang nagsosolicit mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), o di kaya’y sa munisipyo.
Ipinaalala ng PSDWO na mayroong linabas noong 2003 na Administrative Order na tinawag na ‘Omnibus Rules and Regulations on Public Solicitations’, kung saan nagsasabi na lahat ng tao, asosasyon, organisasyon, at mga korporasyon kasama na ang mga may moa sa DSWD ay kinakailangang kumuha muna mag apply ng solicitation permit at dumaan sa proseso bago sila payagan.
Sinabi rin ng PSWDO na may mga ibang batas pa kaugnay rito kagaya ng PD 1564 ng 1978 o mas kilalang “Solicitation Permit Law”, Admin Code of 1987 (EO 292), Local Government Code at iba pa.
Samantala, exempted naman umano sa pagkuha ng permit ang pagka-caroling tuwing christmas season ngunit posible rin itong limitahan pero nakadipende na sa Local Government Unit ng isang bayan kung magpapasa sila ng Municipal Ordinance kaugnay rito.