Balik normal operasyon na ngayong araw ng Linggo ang mga biyahe ng barko galing Odiongan at Romblon patungong Caticlan, Batangas, at Capiz at pabalik, ayon sa mga shipping lines sa lalawigan.
Ito ay matapos na maibaba na ang public storm warning signal sa lalawigan ng Batangas dulot ng bagyong Ompong na naging dahilan para maapektuhan ang biyahe nitong nakaraang araw.
Samantala hindi pa inaanunsyo ng Coast Guard Station Romblon, kung balik normal operasyon na rin ang mga biyaheng Odiongan – Roxas, Oriental Mindoro at pabalik; at ang San Agustin – Romblon – Sibuyan at pabalik.
Inaantabayanan pa ng Coast Guard kung maglalabas pa ng gale warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa lalawigan.