Aabot sa 70 na puno ng Pterocarpus indicus o mas kilalang Narra ang itinanim ng pinagsamang pwersa ng Odiongan District Jail at Odiongan Municipal Police Station nitong umaga ng Martes, August 28.
Pinangunahan ang aktibidad nina Jail Warden Senior Inspector Irene Gaspar, at Police Senior Inspector Kenneth Gutierrez kasama ang mga opisyal ng Barangay Budiong.
Itinanim nila ang mga puno ng Narra sa isang lupain sa Barangay Budiong sa bayan ng Odiongan kung saan siguradong makakatulong sa mga residente sa lugar.
Layunin ng grupo na mapanatiling maganda ang kapiligiran at masigurong sariwa ang hangin na madadatnan ng mga susunod na henerasyon.