Inanunsyo ng Malacañang na August 21 na gugunitain ang Eid’l Adha, othe Feast of Sacrifice ng mga muslim, imbes sa naunang naibalitang August 22.
Pinirmahan nitong MIyerkules ni President Rodrigo Duterte ang Proclamation 556 na nagsasabing regular holiday ang August 21, na nagkataon ring special-non working holiday naman dahil sa paggunita sa Ninoy Aquino Day.
ADVERTISEMENT
Samantala, wala ring pasok ang August 27 dahil sa paggunita naman ng National Heroes Day.