Pinangunahan nitong Lunes ni Police Senior Supt. Leo Quevedo, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, ang pamamahagi ng mga Bullet Proof Vest Level 3 sa iba’t ibang Municipal Police Stations ng lalawigan ng Romblon.
Ipinagkaloob ang mga nasabing vest sa ginanap na Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa headquarters sa Romblon, Romblon.
Makakatulong ang mga bullet proof vest sa mga kapulisan sa Romblon lalo na kapag may mga operasyon silang kailangang magsuot nito.
Maliban sa vest, pinangunahan rin ni PD Quevedo ang pamamahiga ng karagdagang bala, computer sets, aircondition units para parin sa mga Municipal Police Stations ng probinsya.