Isinugod sa Don Modesto Formilleza Memorial Hospital ang dalawang rider matapos masangkot sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa bahagi ng National Road, Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon nitong hapon ng Lunes, July 30.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng rider na si Mae Castillon Maligo Delos Reyes, 19, ang kahabaan ng national road at patungo sanang Barangay Magsaysay nang salpukin ng kasalubong na rider na si Severino Visca De Jesus, 61-anyos, na patungo namang Barangay Pandan.
Malayo palang umano ang gumigiwang na ang takbo ni De Jesus dahil lango umano umano ito sa alak kaya nawalan ito ng kontrol sa kanyang motor at nasalpok si Delos Reyes.
Napag-alaman namang may lisensya ang 19-anyos na estudyante habang wala namang maipakitang lisensya si De Jesus.
Patuloy na iniimbestigahan ng Santa Fe Municipal Police Station ang nasabing insidente.