Isang walang buhay na katawan ng isang lalaki ang natagpuan ng mga mangingisda sa bahagi ng Sibuyan Sea nitong Sabado.
Sa report ng Radio Mindanao Network, nakita umano ng isang mangingisda ang bangkay sa layong 3 neutical mile mula sa Old Buswang, Kalibo, Aklan.
Nilagyan lang daw ito ng mangingisda ng ‘boya’ at pinabalikan sa mga tauhan ng Philippine Coastguard, Philippine Coastguard Auxiliary at sa MDRRMO Kalibo.
Ang nasabing lalaki ay may tattoo na “Fleur de Lis” sa kanyang likuran at “love beng” sa kanyang paa. Meron rin umano itong suot na kwentas na may Letter H na pendant.
Base sa mangingisda na nakakita rito, mukhang hindi Pilipino ang nasabing lalaki at maaring isa itong dayuhan.
Nasa isang punerarya na sa bayan ng Kalibo, Aklan ang bangkay ng lalaki.