Patay na at nakabitin ang leeg ng matagpuan ng kanyang asawa ang isang lalaki sa Barangay 3-Poblacion, Romblon, Romblon nitong hapon ng Huwebes.
Kinilala ng Romblon Municipal Police Station ang nagpatiwakal na lalaki na si Carlito Rivas, 47-anyos, isang porter.
Bandang alas-4 ng hapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang concern citizen na may isang lalaki di umanong nagpatiwakal sa kanilang barangay. Pagdating ng mga tauhan ng pulisya, sinamahan sila ng asawa ni Rivas papasok ng bahay at dito nila nakitang nakabigti na bangkay ni Rivas.
Sinubukang dalhin ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station ang katawan ng biktima sa Romblon District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doctor.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng asawa ng nagpatiwakal na lalaki na umaga palang umano ay nagsabi na ang kanyang asawa sa kanyang na gusto niya ng putulin ang kanyang buhay.
Napag-alaman rin ng pulisya na nitong nakaraang arawa ay nagtalo ang mag-asawa dahil umano nagdududa si Carlito na may ibang lalaki ang kanyang asawa. Itinanggi naman ito ng kanyang misis.