Naaresto matapos ang halos 13 taon ang number six most wanted person ng Romblon Police Provincial Office na kinilalang si Gerry Gamos Manlolo, 62-anyos, residente ng Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, Subic, Zambales.
Si Manlolo ay naaresto ng mga tauhan ng Police Intelligence Branch sa pangunguna ni SPO3 Allan Fruelda at PO2 Carlito Fruelda, sa gabay ni Supt. Rumulos Gadaoni; ng Subic Zamples MPS, at ng Santa Fe Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Rey Manito.
Ang operasyon kay Manlolo ay sa bisa ng Warrant of Arrest na nilabas ni Judge Vedasto Marco, Executive Judge, noong April 28, 2005, sa kasong homicide.
Nakakulong na ang suspek sa Subic Municipal Police Station at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romblon para iharap sa korte.
Maaring makalaya pansamantala ang suspek pag nagbayad ng piyansang 40,000 pesos.