Mabenta ngayong Semana Santa sa mga marble shop ang ilang souvenirs na may kinalaman sa relihiyon lalo na ang mga cross na gawa sa batong marble.
Sa Odiongan, Romblon na may mga nagpwesto na mga marble traders galing pang Romblon, Romblon para sa darating na Kanidugan Festival, may makikitang magagandang desinyo ng mga cross na pwedeng idisplay sa mga bahay katulad ng isang ito na kung saan makikita pa ang imahe ng Panginoong Hesus.
Ayon sa ilang tindero na nakausap ng Romblon News Network, mabenta umano ang mga ganitong souvenirs lalo na sa mga turista na nasa Odiongan para sa Semana Santa gayun na rin ang mga galing ibang bayan na nag visita iglesia sa mga simbahan sa Odiongan.
Mabibili ang mga nasabing item sa P250 hanggang P600 pesos lamang.
Paalala naman ng simbahan, siguraduhin muna umanong magdasal at humingi ng patawad sa Diyos bago mamasyal ngayong Holy Week.