Sinamahan ni Romblon Governor Eduardo Firmalo ang mga atleta ng Romblon Province sa opening day ng MIMAROPA Regional Athletic Meet na ginanap ngayong araw sa Pedro T. Mendiola Memorial Sr. National High School sa San Jose, Occidental Mindoro.
Bago magsimula ang parada nitong hapon ng Lunes, nagbigay muna ng inspiring message ang Gobernador para sa mga manlalaro.
Sinabi ni Governor Firmalo na nakasuporta lang sa likod ng mga atleta ang buong Provincial Government ng Romblon.
Dumalo rin sa opening day ng MIMAROPA Regional Athletic Meet ang ilang opisyal ng lalawigan para magbigay ng suporta sa mga atletang Romblomanon.