Nagwagi ng Silver Medal ang mga manlalaro ng Southern Tagalog Futsal Team sa ginaganap na 2018 National State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) Meet sa San Jose, Antique.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang state university at colleges sa Southern Tagalog na pinapangunahan ng mga manlalaro galing sa Romblon State University na nag-champion sa regional meet noon sa Occidental Mindoro.
Sa huling laro ng futsal team, kinapos sila laban sa defending champion galing Central Luzon ngunit masaya parin sila dahil sila lamang ang manlalaro galing sa Southern Tagalog ang nakakuha ng pinakamataas na medalya pagdating sa ball games.
Ang mga manlalaro na galing RSU ay sina Darlyn Gaboc, Sharmain Gaboc, May Recto, May Ann Cunanan at Segred Malacad. Habang ang mga coach naman ng team Southern Tagalog ay sina John Dave Gamol (RSU-Main Campus) at Kenneth Rogon galing sa Sibuyan Island.
Balak ng team Southern Tagalog na masungkit sa susunod na taon ang kampeonato sa larong futsal.