Magsasagawa ng forum kaugnay sa mga Halal na pagkain ang pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST)-MIMAROPA sa Puerto Princesa City, Palawan sa darating na January 22, 2018.
Ito ang inanunsyo ni DOST Regional Director Ma. Josefina Abilay nitong Lunes ng bumisita siya sa Palawan State University.
Ayon kay Abilay, ang nasabing forum ay lalahukan ng mga mangagagawa galing sa mga restaurant sa siyudad ng Puerto Princsa kasama ang ilang mga taga food-processing sector.
Sinabi pa ni Abilay na ang ganitong forum ay first time para sa Palawan. Kinakailangan umano ito dahil sa pagdami ng mga kababayan nating Muslim na naninirahan sa Puerto Princesa.
Nag-imbeta umano sila ng mga speaker na marunong sa mga pagkaing Halal.