Lima sa twenty-seven na graduate ng Romblon State University Satelite Campuses na kumuha ng Professional Licensure Examination for Fisheries Technologist nitong nakaraang linggo ang nakapasa base sa resulta na nilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes.
Base sa datus ng PRC, may 1 nakapasa sa Santa Fe Campus, dalawa sa San Agustin Campus, at 5 naman sa Sta. Maria Campus.
Sa pangkalahatan, may 479 out of 1,399 na kumuha ng board exam sa buong bansa ang nakapasa. Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Binubuo ang Board of Fisheries nina Westly Rosario, Chairman; at Catalino Dela Cruz, member.
Ayon sa Professional Regulation Commission, iaanunsyo lang umano nila ang araw ng oathtaking ceremony.