Itinanghal sa katatapos lang na Ginoo at Binibining MIMAROPA Festival 2017 na ginanap sa Odiongan, Romblon, sina Mr. Joie Rey Dagsa at Ms. Jessarie Dumaguing, pawang mga delagado ng Puerto Princesa City, Palawan.
Sa simula palang ay pasabog na ang production number ng dalawa hanggang sa makarating na sa Festival Attire kung saan nanalo pa ng Best in Festival Attire at Best In Swimwear si Ms. Dumaguing.
Sinagot rin ng dalawa sa wikang Ingles ang mga itininanong sa kanila ng host na lahat ay may kinalaman sa Rehiyon ng MIMAROPA.
First Runner Up naman sa Ginoo at Binibining MIMAROPA Festival 2017 sina Mr. Oriental Mindoro, Berting Joco at Ms. Palawan, Rachel Lee Aniar.
Second Runner Up naman sina Mr. Marinduque, Jero Bagaporo at Ms. Occidental Mindoro, Laicka Implomado.
Nasungkit naman nina Mr. Marinduque, Jero Bagaporo at Ms. Palawan, Rachel Lee Aniar ang Best nin Formal Wear; habang si Mr. Marinduque, Jero Bagaporo ang Best in Swimwear sa mga Ginoo.