Opisyal nang nagtapos ngayong gabi ang #MIMAROPAFestival2017 sa bayan ng Odiongan, Romblon at sa susunod na taon ay sa bayan ng Mamburao sa Occidental Mindoro nanaman ito gaganapin.
Sa maikling mensahe ni Sangguniang Panlalawigan Member Felix Ylagan, pinasalamatan nito ang lahat ng deligado at mga turistang nakiisa sa katatapos lang na Festival.
“Nagpapasalamat ako sa PETMALU niyong partisipasyon sa MIMAROPA Festival 2017, kayo ang aming mga Lodi,” pahayag ni Ylagan.
Pormal na ring na-turn over ang hosting ng MIMAROPA Festival sa mga representative ng Occidental Mindoro na present sa event.
Kung hindi umano mapantayan ang ginawang pag-host ng Romblon sa MIMAROPA Festival ay tiyan na uuwi naman ang lahat ng dadalo sa 2018 na masaya.