Bukas na sa publiko ang MIMAROPA Festival Night Market sa MA Roxas St. harap ng Odiongan Municipal Hall sa Odiongan, Romblon.
Sa unang araw na pagbubukas nito ay dinayu na agad ng mga mamimili at mga turistang gusto lang mamasyal.
Makikita sa nasabing Night Market na bukas tuwing 6pm hanggang 12mn, ang iba’t ibang paninda kagaya ng mga souvenir shirts, paintings, masasarap na pagkain, at iba pa.
ADVERTISEMENT
Bukas ang nasabing night market mula ngayong November 19 hanggang sa November 25.