Pinatunayan ng mag-amang Eusebio Quiñones at Nicole Quiñones na Father & Daughter’s Goals silang dalawa dahil sa pagkapanalo ng dalawa sa ginanap na Bike Race Marathon 2017 na bahagi parin ng pagdiriwang ng MIMAROPA Festival 2017 sa Odiongan, Romblon nitong Martes ng umaga.
Itinanghal na kampeon ang matandang Quiñones sa 40-49 years old category ng palaro sa oras na 1 hour, 05 minutes, at 42 seconds habang 2nd placer naman si Nicole Quiñones na tinapos ang race ng 1 hour, 23 minutes, and 01.60 seconds.
Sa eksklusibong panayam kay Eusebio Quiñones, ang kilalang mountain bike king at miyembro ng Philippine Team, sinabi niya na madalas talaga siyang sumali sa mga bike race sa Romblon.
Masaya rin siya dahil hilig rin umano ng kanyang anak na babae ang pagbibisikleta.
Si Eusebio Quiñones ay silver medalist ng 2001 Malaysia at 2007 Thailand at bronze medal winner sa 2005 Manila editions ng SEA Games.
Ang iba pang nanalo ay ang mga sumusunod:
Locals
Nick Magada, Jhenel Galangera, Joshua Galin
Womens
Melisa Aroda, Nicole Quinones
50 Years old and above
Bento Abayon, Noli Dalisay, Elao Añar
49-49 Years old
Eboy Quiñones, Serano Montero, Anoni Escarilla
30-39 Years old
Danilo Cawaling, Jonathan Climaco, Elmer Gramo
20-29 Years old
Aldrin Abansod Pajo, Jason Banate, Robert Delos Reyes
19 Years old and below
Eduardo Dolacruz III, Michael Ricafrente, Kurt Hermosura