Mahigit 1,000 trabaho ang nag-aantay sa mga kwalipikadong job seeker sa ginaganap na Job Fair sa Odiongan National High School sa Odiongan, Romblon ngayong araw.
Ang ilan sa mga naga-apply ay galing pa sa malalayong lugar ng Tablas at dumayo lang sa Odiongan para maghanap ng magandang trabaho.
May mga trabahong available ang iba’t ibang manpower company para sa International at Metro Manila assignments.
Bahagi ang job fair ng ‘Trabaho Negosyo Kabuhayan’ program ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, at Department of Social Welfare and Development.
Opisyal na binuksan ang nasabing job fair nina DOLE 4B Regional Director Alvin Villamor at Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Para umano sa mga katanungan sa DOLE, maari silang kontakin sa 09213317042 o 09264806882.