Masaya parin ang mga pambato ng Romblon sa Ginoo at Binibining MIMAROPA Festival 2017 na sina John Carl Solano, isang tourism student, at Abigail Delos Santos kahit hindi nanalo sa nasabing patimpalak.
Sa ekslusibong panayam ng Romblon News Network kay Ms. Delos Santos pagkatapos ng pageant, sinabi nito na napakalaking bagay umano ang napasali sa nasabing patimpalak at naikot niya rin umano ang Romblon dahil rito.
Masaya rin siyang nakapiling niya sa kunting panahon ang mga kandidata ng ibang probinsya na sumali sa nasabing patimpalak.
Dagdag pa ni Delos Santos na isang Ground Attendant ng Cebu Pacific, masaya siya dahil siya ang napiling pambato ng Romblon at kinararangal niya ito.