Bumisita ng Romblon para tunghayan ang kaganapan ngayong MIMAROPA Festival 2017 ang Undersecretary ng DOT sa Tourism Regulation, Coordination & Resource Generation na si Alma Rita D. Jimenez.
Masaya itong sinalubong nina Romblon Governor Eduardo Firmalo, Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali Jr., Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, at si Department of Tourism Region 4B Regional Director Danilo Intong.
Sa maikling mensahe na ibinigay ni Jimenez, sinabi nitong malaking tulong ang MIMAROPA Festival 2017 sa mga probinsya sa rehiyon dahil magiging daan ito para sa mas mahigpit na ugnayan ng mga probinsya.
Samantala, sinabi ni Jimenez na dapat pang dagdagan ang mga hotels sa Romblon para may matuluyan ang mga turistang bibisita ng probinsya lalo na kung may malalaking event kagaya nito.
Nakipagdayalugo si Usec. Jimenez sa mga Tourism Officer ng iba’t ibang bayan sa Romblon at gayun na rin sa iba’t ibang probinsya na laging katulong ng DOT sa pagpapalago ng turismo sa probinsya.