Isang dancer ng San Fernando, Romblon ang hinihinalang nakuryente habang sumasayaw ang kanyang grupo sa MIMAROPA Festival Showdown Competition nitong gabi ng November 22.
Hindi nakuha ng Romblon News Network ang kanyang pangalan ngunit nasaksihan ng news team kung paano siya natumba.
Narinig pa ng news team na sumigaw ang dancer na “Nakuryente Ako!” bago ito tumumba sa damuhang may mga cable wires na ginagamit sa setup ng nasabing palabas.
Nagpanic naman ang kasama nito at agad na tinawag ang mga medics para alalayan ang natumbang kasama habang ang mga operators ng sound system ay pinuntahan ang pwesto ng nasabing dancer at tiningnan ang mga wirings.
Dinala ang nasabing dancer sa Incident Command Center para bigyan ng paunang lunas. Hindi naman malubha ang kanyang lagay.