Tiklo dahil sa ipinagbabawal na gamot ang isang tindero ng isda sa bayan ng Romblon, Romblon nitong madaling araw ng September 30.
Kinilala ang suspek ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, OIC ng Romblon Municipal Police Station na si Marlon Minano Mortel o mas kilala bilang alyas ‘BigBoy’, 38 taong gulang, at residente ng Barangay 2 Poblacion, Romblon, Romblon.
Nabilhan umano si alyas Bigboy ng isang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.
Ayon sa Chemistry Result ng Provincial Crime Laboratory may bigat ang shabung nabili kay alyas Bigboy na 0.0761 grams.
Nasampahan na ng kasong paglabag sa Sec. 05 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa Romblon, Romblon.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Romblon Municipal Police Station.
{googleads center}