Isang Romblomanon ang makikipag sabayan sa ganda ng ilang binibini galing sa ibang probinsya para sa Miss Scuba Philippines 2017 na gaganapin sa October 10 sa Resorts World Manila.
Ang pambato ng Romblon na si Miss Danica Joy Peralta Acuña, 24-years old, ay lalaban para sa bandila ng mga Romblomanon.
Ayon sa Facebook Post ni Acuña siya ay isang Advocate para sa “Responsible Tourism Promoting Awareness, Cleanliness, and the Conservation of our Ocean’s Bounty.”
Samantala, pasok sa top 3 ng Best In Long Gown si Acuña matapos makuha ang boto ng mga judges laban sa 15 contentestants na rumampa nitong October 04 sa Citystate Tower Hotel Manila. Kasama ni Acuña sa top 3 sina El Fel Banaybanay at Sherlyn Doloriel.
Kung sakaling makuha ni Acuña ang Best in Long Gown, ibig sabihin ay nakuha niya na ang 1/4 chance para manalo bilang Miss Scuba Philippines 2017.
{googleads center}