May aabot sa 300 na kapulisan galing sa Romblon Police Provincial Office (PPO) at sa ilang Municipal Police Station ang ilalagay sa Odiongan, Romblon para sa siguridad ng darating na MIMAROPA Festival.
Ito ang sinabi ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ng Odiongan Municipal Police Station nang makausap ng Romblon News Network.
Aniya, pinaghahandaan nila ang siguradad ng mga dadalo sa festival gayun na rin ang mga bisita at dayuhang pupunta ng Romblon para saksihan ang nasabing event.
Naglataga na rin ng security plan ang Odiongan Municipal Police Station para sa nasabing event ngayong Nobyembre.