Pinag-hahanap na ng pulisya sa Mindoro Oriental Police Provincial Office ang suspek sa pagpaslang kay Vice Mayor Jackson Dy ng Roxas, Oriental Mindoro nitong hapon ng September 22.
Sa natanggap na report ng Romblon News Network galing sa Mindoro Oriental Police Provincial Office, kinilala nila ang suspek na si Benjamin Buruange, alias Bangie, residente ng Barangay Bonbon, Roxas, Oriental Mindoro.
Nagsasagawa na umano ng manhunt operation ang mga kapulisan kasabay nito’y ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para makilala ang isa pang suspek.
Ayon sa pulisya, si Buruange ang lalaking bumaril ng isang beses kay Vice Mayor Dy na naging dahilan ng pagkasawi nito.
Naghahanda na rin ng kasong murder ang Roxas Municipal Police Station laban sa suspek.
{googleads center}