Nakiisa sa pagdiriwang ng ika-23rd Anniversary ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang mga empleyado nito sa lalawigan ng Romblon.
Ang venue ng selebrasyon ngayong taon ay Romblon Public Theater sa bayan ng Romblon, Romblon na kung saan dinaluhan ng mga estudyante ng TESDA Schools sa lalawigan, ilang opisyal ng gobyerno, at mga empleyado ng TESDA Romblon Provincial Office.
May tema ang pagdiriwang ngayong taon na “Malakasit at Pagbabago, TESDA Susi sa Kinabukasan’.
Nagkaroon rin ng Thanksgiving Mass sa nasabing pagdiriwang bilang pasasalamat ng TESDA sa tagumpay na natatamo ng kanilang mga estudyante at ng kanilang mga natutulungan.
{googleads center}