Tampok ang fun run sa pagbubukas ng selebrasyon ng ika-117 taong anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) sa lalawigan ng Romblon.
Isasagawa ang fun run sa ika-3 ng Setyembre sa kabayanan ng Romblon na sisimulan sa ganap na alas-5 ng umaga mula sa bakuran ng Kapitolyo.
Kaugnay nito, inilabas ni Provincial Administrator Romeo F. Faeldan ang Memorandum Order 007 s. 2017 upang anyayahan ang lahat ng kawani ng pamahalaan na makiisa sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas sa lalawigan sa Setyembre 1-30.
Inaasahan na ang naturang aktibidad ay dadaluhan ng mga empleyado ng Romblon at maging ng iba pang kawani ng pambansang ahensiya ng pamahalaan na nakabase sa bayan ng Romblon.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Tugon Sa Hamon Ng Pagbabago: Malasakit Ng Lingkod Bayani.”
{googleads center}