Magkakaroon ng libreng Pre-Surgical Screening bukas, August 19, para sa mga may gustong ipa-opera ng libre sa kanilang katawan.
Gaganapin ang Pre-Surgical Screening sa Romblon Provincial Hospital kung saan may mga Doctor galing sa Metro Manila ang tutungo sa Ospital para lang sa screening.
Ayon kay Provincial Health Officer Erlinda Aguirre, kapag nakompleto na ang screening bukas, babalik ang mga specialist na Doctor para sa schedule ng operasyon. Libre umano ang operasyon para sa mga Romblomanon dahil sa budget na binigay ng Department of Health at sa tulong na rin ng Philhealth.
Magsisimula ang Pre-Surgical Screening, alas-8 ng umaga.
Magkakaroon rin ng booth ang Philhealth sa Ospital bukas para sa mga pasok sa screening na wala pang Philhealth Card.