Pumirma na umano ng department order si Department Information and Communiciations Technology (DICT) Secretary Atty. Rodolfo A. Salalima na nag-uutos na magkaroon na ng Provincial Office ng DICT sa lalawigan ng Romblon.
Ito ang pahayag ni DICT Secretary kay Executive Assistant and Provincial Economic Investment Promotion Officer (Romblon) Roberto Madera ng magkausap sila sa ginanap na 5th Annual Regional Competitiveness Summit and Awards Ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong August 16.
Ayon kay Madera, sinabi niya umano kay Secretary Salalima na mabagal at mahinang internet connection sa lalawigan ng Romblon lalo na sa mga bayan ng Romblon, Odiongan at sa Sibuyan Island.
RELATED: Free Wifi sa mga pampublikong lugar sa Romblon, asahan bago matapos ang taon — DICT
{googleads center}