Stranded ang ilang motorista sa ilang kalsada sa Barangay Lonos sa bayan ng Romblon, Romblon dahil sa malakas na buhos ng ulan simula pa kaninang madaling araw.
Ayon kay Romblon News Correspondent Ban Mikko Molino, hindi makadaan ang mga motoristang patungo sanang Poblacion dahil sa mala-tuhod na baha.
Ilang residente na rin sa nasabing barangay ang nangangamba na dahil sa maaring pang pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-uulan.
Nagsuspende na rin ng pasok ang Romblon State University Sawang Campus dahil sa masamang panahon.
Ayon naman kay Mayor Mariano Mateo ng makausap ng Romblon News Network, may mga lugar sa kanyang bayan ang hindi madaanan dahil sa landslide. Patuloy naman ang ginagawa nilang clearing operation sa mga nasabing lugar.
Sa forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kabikulan, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Hilagang Samar.