Opisyal ng uupo ngayon araw ang bagong Police Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office na si Police Senior Superintendent Leo Quivido.
Papalitan ni Quivido si Police Senior Superintendent Juan Binamera Añonuevo.
Sa pinadalang text message ni Añonuevo sa Romblon News Network nitong Miyerkules, sinabi nitong naging masaya siya sa pagtanggap sa kanya ng mga Romblomanon.
Humingi rin ito ng pasensya sa mga pagkukulang niya habang nasa pwesto.
Taong 2014 pumasok si Añonuevo bilang Police Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office