Handang i-welcome ng probisnya ng Romblon ang mga Chinese investment na gustong pumasok sa lalawigan ng Romblon.
Ito ang mga naging pahayag ni Governor Eduardo Firmalo ng makapayam ng Business Mirror.
Ayon kay Firmalo, gusto ng probinsya ang mga technology ng China at makakatulong umano ito sa mga dapat i-improve pa na industriya sa lalawigan. Kailangan rin umanong magkaroon ng mga investors na gusto pasukin ang housing at coco industry.
Dagdag pa ni Firmalo, aabot lamang sa 15 percent ng business sa probisnya ang pagmamay-ari ng mga Filipino-Chinese Businessmen.
Sa kanyang pahayag sa Business Mirror, ipinagmalaki ni Governor Firmalo na sa Romblon makikita ang ilang ganda ng Pilipinas na hindi pa na didiskobre sa ngayon.
Maliban kay Governor Firmalo, handa ring i-welcome ng ilan pang probisnya ang mga investment ng mga Chinese na ipapasok sa kanila. Ito ay ang mga probisnya ng Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Negros Occidental.