Nagpapatuloy ang mga proyektong patubig ng bagong upong alkalde ng Concepcion, Sibale Island, Romblon na si Mayor Medrito Fabreag, Jr. para sa mga kanyang nasasakupan.
Nitong nakaraang linggo lamang ay natapos na ang paghuhukay sa isang source ng tubig sa Sitio Ilada sa Barangay Bakhawan.
Ayon kay Mr. Blady Mir Fabellon, ang nasabing paghuhukay kasama ang paglalagay ng mga tubo patungo sa mga bahay galing sa Sitio Ilada pababa sa Sitio Proper ay binigyan ng budget na aabot sa P500,000.
Natapos na rin ang pagtatayo ng seawall sa Bakhawan Elementary School para maproyektahan ang paaralan sa tuwing tumataas ang tubig.
Pinaganda na rin ang water drainage sa dalawang paaralan bayan, ito ay ang mga paaralan ng Bakhawan Elementary School at ang Concepcion National High School (Annex).
Nitong September 14, pinangunahan naman ni Mayor Medrito Fabreag, Jr. ang pagtatanim ng mga mangrove sa nasabing barangay.
Upang mapangalagaan ang mga itinanim, naglagay rin ang Local Government Unit ng perimeter fences sa seashor ng nasabing barangay.