Pinangunahan ni Governor Eduardo Firmalo ang isinagawang medical mission sa Romblon Public Plaza sa bayan ng Romblon, Romblon nitong September 01 hanggang 02.
Bahagi ito ng pakikiisa ng Provincial Government sa pagdiriwang ng ika-116 Founding Anniversary ng Philippine Civil Service.
Maliban sa medical mission, meron ring ino-offer sa activity na dental mission, ophthalmological mission at libreng gupit para sa bayan.
Ilang mga bata at senior citizen ang nagsadya talaga sa event upang makapag-patingin.
Masaya naman ang ilang residenteng mismong si Governor Firmalo ang tumitingin sa kanilang kalusugan.