Magkakaroon na ng sariling blood bank ang Philippine Red Cross (PRC) sa lalawigan ng Romblon sa mga susunod na araw.
Nakikipag-usap na umano si Governor Eduardo Firmalo sa Philippine Red Cross para sa pagtatayo ng isang blood facility at blood bank sa probinsya. Malaking tulong umano ito sa mga Romblomanong pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Nitong nakaraang buwan, nakipagpulong rin ang Department of Education – Romblon sa Philippine Red Cross (PRC) upang magsagawa ng pagsasanay kaugnay sa disaster preparedness at first aid para sa mga guro ng DepEd.