Opisyal ng nanumpa nitong August 16, sa harap mismo ni Police Senior Superintendent Juan Anoñuevo, Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office ang apat na bagong miyembro ng Provincial Advisory Council para sa Police Transformation and Development ng Romblon PPO.
Ito ay sina Hon. Jose R. Riano, Vice Governor of Rombon, Mr. Joseph Menorca, Principal II of Romblon East Central School, Mr. Ronald M. Geronimo, Chief of Staff of the Office of Vice Governor and Mr. Darwin Bernardo, Media Practitioner.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga miyembro ng Technical Working Group (TWG), Provincial Police Strategy Management Unit (PPSMU), at iba pang miyembro ng Provincial Advisory Council.
Tinalakay sa mga bisita ang Patrol Plan 2030 ng Philippine National Police at ang Terms of Reference (TOR) ng pagkakatatag ng Provincial Advisory Council.
Na-nalagay bilang Chairman ng konseho si Vice Governor Riano at Vice Chairman naman si Joseph Menorca.
Matapos ang aktibidad, nagsagawa ng pagpupulong ang konseho upang ipresent ang iba’t ibang plataporma para makuha ang kanilang mission, at vision, gayun na rin ang mga proyekto na gagawin nila sa 3-taong sila ay nakaupo.