by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 08 July 2016
Umabot na sa 128 drug personalities ang sumuko sa mga tauhan ng awtoridad sa buong lalawigan ng Romblon magmula nitong July 01 hanggang July 07.
Ito ay ayon ng Romblon Provincial Police Office kay Dennis Manzo ng Philippine Information Agency – Romblon.
Pinakamarami rito ay sa bayan ng Cajidiocan na aabot sa mahigit 70 katao ang sumuko.
Ayon sa source ng Romblon News Network, next week ay maaring may mga susunod pang drug personalities sa bayan ang haharap kay Mayor Nick Ramos at sa mga awtoridad para sumuko.
Aabot naman sa 4 katao ang nahuli sa buy bust operations at pag serve ng search warrant sa buong lalawigan.
Ang sunod-sunod na pagsuko ay bahagi ng mas pinaigting na paglaban sa mga kapulisan sa mga iligal na droga sa pamamagitan ng Oplan TokHang.