by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 01 July 2016
Sumuko rin kahapon, July 01, sa mga tauhan naman ng Romblon Municipal Police Station ang isa sa mga gumagamit ng druga sa bayan ng Romblon.
Ang nasabing 29 years old na drug dependent ay sumuko sa tulong ni Barangay Chairwoman Almie Prestusa ng Barangay Poblacion III.
Ayon sa police report na nakuha ng Romblon News Network, walang pending case ang nasabing lalake.
Nakikipag-ugnayan na ang Romblon Municipal Police Station sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay III para sa rehabilitasyon ng nasabing lalake.
Ang pagsuko na ito ay bahagi sa mas pinaigting na kompanya ng bagong PNP Chief Dela Rosa laban sa mga illegal na druga.