by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 02 May 2016
Aabot sa anim na katao ang nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at Romblon Municipal Police Station nitong Sabado, April 30, sa isinagawa nilang raid sa bahay ni Pedro Fabellon sa Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon kung saan nangyayari umano ang talamak na illegal gambling.
Ang nasabing raid ay sa bisa ng inilabas na Search warrant ni Hon. Judge Edwin Buffe ng 4th MTC Romblon, Romblon dahil sa paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.
Nadakip sa loob ng bahay sina Pedro Fabellon, may-ari ng bahay; May Barace, 47 years old; Lyn Fabellon, 37 years old; Annamarie May Macasa, 18 years old, pawang mga residente ng Barangay II.
Nadakip rin ang dalawang collector umano na sina Roger Madrona alyas Cabo, 35 years old; at si Bernie Madera, 22 years old, pawang mga residente ng Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.
Nakuha sa mga naaresto ang ilang gambling paraphernali at pera na nagkakahalagang 3,831.00 pesos.
Dinala na sa Romblon Municipal Police Station ang mga suspek at nakatangkang kasuhan ng paglabag sa PD 1602 at RA 9287.