Pinasaringan ng kilalang columnist na si Ramon Tulfo sa dyaryo ng Philippine Daily Inquirer ang asawa ng Mayor bayan ng Romblon.
Kwento ni Tulfo, sakay umano siya ng San Antonio de Padua ng 2Go Shipping Lines at biyahe itong Batangas galing sa isang medical mission.
Dahil nagpapasok na umano ang barko ng mga pasahero sa Romblon Port, biglang umanong dumating ang babaeng nagpakilalang asawa ng kasalukuyang Mayor ng bayan at dumiretso sa reception area at ipinakilala ang dalawang lalake bilang isa umanong general at colonel.
“I’m the wife of the mayor. Please take care of the general and the colonel,” pahayag umano ng babae ayon kay Tulfo.
Ngunit nakilala ng staff ni Tulfo na ang dalawang lalake na itinuring na colonel at general ay nakilalang sila Senior Supt. Lou Evangelista, acting chief ng logistics division ng Police Regional Office 4-B, at Chief Insp. Angelito Guardian, chief, logistics plans at program development ng PRO 4-B.
Tanong ni Tulfo, bakit kailangan gumamit ng pekeng designations ang mga ito para lang mabigyan ng special treatment sa barko.
Patuloy na kinukuha ng RNN ang pahayag ng kampo nina Montojo, Evangelista, at Guardian.