• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, June 29, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Cong. Madrona hinikayat ang RSU graduates na maging katuwang sa pag-unlad ng Romblon

    NCSC, nakipagpulong kay Cong. Madrona hinggil sa mga programa para sa senior citizens

    DOST nag-turn over ng SAFEWATRs technology sa Barangay Budiong

    Provincial PESO ng Romblon kakatawan sa MIMAROPA sa National Search for Best PESO

    People’s Council ng Romblon magsasagawa ng diyalogo sa krisis sa kuryente

    SP Falculan nanawagan ng pagdinig sa matagal nang problema sa kuryente sa Sibuyan

    DOLE MIMAROPA inilunsad ang app para sa pagberipika ng sahod at benepisyo ng mga manggagawa

    PNP nanawagan sa mga magulang at guro na bantayan ang online activities ng mga kabataan

    Libertad National High School nagpatupad ng bag inspection at iba pang security measures

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Dumadami may amats

Rey Marfil by Rey Marfil
July 6, 2020 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 17 mins read
2
0
U_Spy: Dumadami may amats
Share on FacebookShare on Twitter

Habang marami sa ating mga tropapips ang laging alisto kapag lumalabas ng bahay para hindi makapag-uwi ng pesteng made in China virus na COVID-19, dapat din tayong maging alisto at talasan natin ang ating pakiramdam pagdating sa emosyon ng mga kasamahan natin sa bahay bago maging huli ang lahat.

Dahil sa perwisyong idinulot ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang nakararanas ng depresyon at axiety o labas na pag-aalala. Tulad na lang ng mga nawalan na o inabisuhan nang mawawalan ng trabaho, at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila sa hinaharap.

Habang tumatagal ang community quarantine (may ECQ, may GCQ, may MECQ at MGCQ), patuloy na dumadami ang mga kababayan natin na nawawalan ng hanapbuhay. Batay nga sa isang survey, record-high o lubhang marami ang mga Pinoy na naniniwalang hindi magiging maganda ang buhay nila sa darating na mga buwan.

Hindi nakapagtataka ang mataas na bilang ng mga nawawalan ng kompiyansa sa kanilang hinaharap dahil nga sa dami ng mga negosyong nagsara dahil nalugi o nagbabawas ng mga tauhan para makaraos. Kahit nga ang mga jeepney driver, nagmamakaawa nang payagan silang makapasada para kumita at susundin nila ang health at safety protocols.

Kung tutuusin, hindi lang siguro ang kumita ang layunin ng mga driver kaya gusto nilang pumasada na kahit kalahati lang ng kapasidad ng jeep ang kanilang maisasakay. Nais din marahil ng mga driver na makapagtrabaho na at maipakita sa kanilang pamilya ang silbi nila bilang padre de pamilya. Mas gusto nilang magbanat ng buto kaysa mamalimos ng ayuda.

Nitong mga nakaraang buwan mula nang ipatupad ang lockdown, sinasabing dumami ang mga tumatawag sa mga hotline o helpline para sa mga taong nakararanas ng depresyon at anxiety. Maganda kung tumatawag sila dahil kahit papaano ay nakakatanggap sila ng propesyonal na payo at mapigilan kung may pinaplano man sila sa kanilang sarili na hindi maganda.

Pero papaano yung mga nakararanasan ng depresyon o pagkabalisa na hindi alam na may mga helpline o hotline pala silang puwedeng tawagan? Papaano na?

Kaya importante mga tropapips na maging mapagmatyag din at pakiramdaman ang ating mga kasama sa bahay. Sabi ng isa nating kurimaw na nakaranas ng ganitong sitwasyon sa kanilang pamilya, hindi madaling makita sa isang tao na nakararanas ng depresyon o anxiety na magsalita at maglabas ng saloobin tungkol sa kaniyang pinagdadaanan. Kung minsan nga raw ay nagiging palangiti pa ito at biglang sasaya, iyon pala ay nais lang niyang pasayahin ang sarili sa kaniyang mga huling sandali.

Kung minsan ay puwede rin daw makitang tahimik at malalim ang iniisip ng taong nakararanas ng matinding kalungkutan na kinikimkim sa loob. Mas madalas na nakahiga lang na para bang nais matulog nang wala nang gisingan. May pagkakataon din na kung minsan ay lagi niyang hawak o tinitingnan ang isang bagay na plano na pala niyang gamitin para wakasan ang buhay tulad ng lupid.

abi pa ng ating kurimaw, kung hindi naman dating malambing ang kasama sa bahay at biglang magiging malambing at humingi ng tawad sa kasalanan na hindi mo na matandaan, aba’y kabahan ka na. Puwede rin daw na bigla itong maghahabilin na parang aalis pero hindi sasabihin kung saan pupunta at ngingiti na lang. Mabuti raw na i-heart-to-heart talk mo siya at bantayan.

Sadyang malaking perwisyo mga tropapips ang idinulot ng pandemyang COVID-19, at hindi lang sa ating mga Pinoy nagkaroon ng pagtaas ng alerto tungkol sa depresyon at anxiety kung hindi maging sa ibang bansa rin. Kahit nga ang ilang artista eh aminado na nakaranas din sila ng depresyon at matinding pag-aalala dahil ilang buwan ding natigil ang kanilang trabaho. Aba’y paaano pa kaya ang mga kababayan nating dalawang kahig at isang tuka? Pero kung susuko tayo, paano ang mga taong nagmamahal sa atin na iiwan nating labis na masasaktan.

Tandaan na lilipas din ang pandemyang ito kaya kapit lang. Ang mahalaga ay manatiling buhay para manatiling may pag-asa. Kung may matinding pinagdadaanan, maiging maghanap ng makakausap. Kung nahihiya, narito ang ilan sa mga helpline o crisis hotline na maaaring tawagan ay +63917 899-USAP (8727) / +632 79898727/ 7-989-USAP. Puwede rin sa Hopeline na 0918-873-4673, 0917-558-4673, at (02) 8804-4673.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Popular Stories

  • Montenegro Lines to offer new trips from Odiongan to Roxas and Caticlan

    Montenegro Shipping Lines nagbaba ng pamasahe sa mga ruta ng Romblon

    1927 shares
    Share 771 Tweet 482
  • Mga gamot na bawal pagsabayin: Biogesic, Neozep, atbp.

    25374 shares
    Share 10202 Tweet 6322
  • Libertad National High School nagpatupad ng bag inspection at iba pang security measures

    62 shares
    Share 25 Tweet 16
  • 16 flood control projects ng DPWH sa Romblon, ininspeksyon ng Task Force ng Prov’l Gov’t

    290 shares
    Share 116 Tweet 73
  • Tekno-Talakayan sa pagkaing Halal, isinagawa ng DA sa Romblon

    12 shares
    Share 5 Tweet 3
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

77 mangingisda sa Looc tumanggap ng fuel subsidy, fishing gear at life jackets

400 residente ng Santa Maria tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Public markets sa San Agustin, Looc at Odiongan kabilang sa DTI Best Public Market assessment

TRENDING FOR THE MONTH

Binatang nakainum, patay matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo

Montenegro Shipping Lines nagbaba ng pamasahe sa mga ruta ng Romblon

Suspek na nanaksak ng kanyang ama, patay matapos manlaban sa rumespondeng pulis sa San Jose

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up