Isinusulong ni Romblon Lone District Representative Eleandro “Budoy” Madrona ang pagtatatag ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bayan ng San Agustin, Romblon sa pamamagitan ng House Bill No. 10534.
Layunin ng panukala na magtatag ng LTFRB District Office sa munisipalidad, kasama ang paglalaan ng kinakailangang pondo para sa operasyon nito.
Ayon sa legislative update ni Madrona, inaprubahan ng House Committee on Transportation ang panukala noong Nobyembre 11, 2026.
Iniendorso na rin ito sa House Committee on Appropriations para sa pagtalakay sa mga probisyon nito hinggil sa paglalaan ng pondo, bilang paghahanda sa paghahain ng committee report.
Hindi pa batas ang panukala at kailangan pa nitong sumailalim sa mga susunod na hakbang sa Kongreso at Senado.


























