Nagkampeon ang NullBytez ng Romblon State University (RSU) sa 2026 MIMAROPA Cyber Challenge matapos ang pitong oras na kompetisyon na sumubok sa kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa cybersecurity.
Bilang MIMAROPA Cyber Champions, kakatawanin ng NullBytez ang rehiyon sa HackForGov National Finals na nakatakda sa December 2026.
Ang HackForGov ay isang national cybersecurity program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na gumagamit ng hands-on at gamified na mga hamon upang sanayin ang mga estudyante sa aktuwal na cybersecurity skills. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga kahinaan ng computer systems, pagsusuri sa cyber threats at pagresponde sa mga simulated cyberattack.
Nagtapos bilang First Runner-Up ang N3XUS ng Palawan State University, habang Second Runner-Up naman ang DMH na mula rin sa RSU.
Kinilala rin ang mga nangunang indibidwal na kalahok. Nakuha ni Richmond Fallaria ng NullBytez ang pinakamataas na individual score, habang si Neil Harvey Miñano ng DMH ang napili bilang Regional Wildcard.
Sa pagkapanalo ng NullBytez, kakatawanin nila sa national level ng HackForGov, kung saan makakaharap ng koponan ang iba pang regional winners sa National Finals.


























Discussion about this post