Nagsagawa ang Philippine Coconut Authority (PCA) Romblon Provincial Office ng Simultaneous Massive Coconut Planting Program 2026 noong Agosto 28 sa Sitio Aurora, Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 National Coconut Week, kung saan nagtulungan ang mga magsasaka at mga katuwang na ahensya sa pagtatanim ng coconut seedlings sa planting site.
Nakiisa sa aktibidad ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Pato-o, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Statistics Authority (PSA), at Romblon State University (RSU).
Isinagawa ang pagtatanim sa kabila ng malayo, matarik at mahirap na daan patungo sa planting site.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapaunlad ng industriya ng niyugan sa lalawigan at pagsuporta sa mga programang naglalayong mapalakas ang sektor ng niyog.
Patuloy namang hinihikayat ng PCA ang mga lokal na pamahalaan, katuwang na ahensya at mga magsasaka na makiisa sa mga programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng niyugan sa Romblon.



































Discussion about this post