• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, October 26, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Patrol vehicles, solar street lights, kabilang sa proyektong pinondohan ng Pangulo sa San Jose

    Patrol vehicles, solar street lights, kabilang sa proyektong pinondohan ng Pangulo sa San Jose

    1,206 sako ng bigas, ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa San Jose

    1,206 sako ng bigas, ipinamahagi sa mahihirap na pamilya sa San Jose

    73 assistive devices, ipinamahagi sa mga PWD sa Romblon

    73 assistive devices, ipinamahagi sa mga PWD sa Romblon

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Dalawang sakay ng motorsiklo, sugatan matapos ma hit-and-run sa San Andres

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Tatlong babae, arestado sa umano’y paglalaro ng Tong-its sa Odiongan

    Contractor at DPWH, ipatatawag ng konseho ng Cajidiocan sa isyu ng mga sheet pile

    Contractor at DPWH, ipatatawag ng konseho ng Cajidiocan sa isyu ng mga sheet pile

    Mahigit 500 balde ng food packs mula PAGCOR, ipinamahagi sa mga senior citizen ng Corcuera

    Mahigit 500 balde ng food packs mula PAGCOR, ipinamahagi sa mga senior citizen ng Corcuera

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Rider sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Odiongan

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Magkainuman sa San Andres, nagtagaan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Tablas Island San Andres

SSS Odiongan inilapit ang serbisyo sa mga taga-San Andres

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
August 28, 2026
in San Andres
Reading Time: 7 mins read
14
0
SSS Odiongan inilapit ang serbisyo sa mga taga-San Andres
Share on FacebookShare on Twitter

Umabot sa 150 kliyente ang nabigyan ng serbisyo ng Social Security System (SSS) Odiongan Branch sa isinagawang SSS on Wheels sa bayan ng San Andres noong Agosto 27.

Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga residente ang iba't ibang serbisyo at programa ng SSS upang mas maging madali para sa kanila ang pag-access sa mga benepisyo at iba pang transaksyon sa ahensya.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Andres, bahagi ito ng patuloy na pakikipagtulungan nito sa mga national government agencies upang mailapit ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Nagpatuloy naman ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyo ng SSS sa isinagawang PIA Romblon Information Caravan sa Barangay Mabini noong Agosto 28, kung saan dumalo rin ang mga kinatawan ng SSS Odiongan Branch.

Ayon kay Christine Riano, Corporate Executive Officer II ng SSS Romblon, bukas ang kanilang tanggapan sa mga miyembro at sa iba pang indibidwal na nais magtanong, magpa-assist, o mag-avail ng mga serbisyong iniaalok ng SSS.

Tinalakay rin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagiging miyembro ng SSS at ang iba't ibang benepisyong maaaring ma-avail ng mga kwalipikadong miyembro, kabilang ang mga benepisyong may kaugnayan sa pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro at pagkamatay, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng ahensya.

Hinimok ni Riano ang mga manggagawa, self-employed individuals, at iba pang maaaring maging miyembro na alamin ang kanilang mga opsyon sa ilalim ng SSS upang magkaroon ng social security protection at maging kwalipikado sa mga benepisyo sa oras ng pangangailangan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatiling updated ng membership records at ng regular na paghuhulog ng kontribusyon upang matiyak ang pagiging kwalipikado sa mga benepisyo at programa ng SSS.

Isinagawa ang Information Caravan sa pakikipagtulungan ng Public Information Office ng LGU San Andres, SSS Odiongan, TESDA Romblon, DTI Negosyo Center San Andres, San Andres Municipal Police Station at BJMP Odiongan District Jail.

Related Posts

81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

Dalawang sakay ng motorsiklo, sugatan matapos ma hit-and-run sa San Andres

October 26, 2026
81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

Magkainuman sa San Andres, nagtagaan

October 25, 2026

Popular Stories

  • 81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Magkainuman sa San Andres, nagtagaan

    288 shares
    Share 115 Tweet 72
  • Rider sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Odiongan

    157 shares
    Share 63 Tweet 39
  • HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    2138 shares
    Share 855 Tweet 535
  • Contractor at DPWH, ipatatawag ng konseho ng Cajidiocan sa isyu ng mga sheet pile

    35 shares
    Share 14 Tweet 9
  • Dalawang sakay ng motorsiklo, sugatan matapos ma hit-and-run sa San Andres

    27 shares
    Share 11 Tweet 7
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

Hataw Shopping Center sa Odiongan, ‘Good to Go’ na sa November 13

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up