• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, October 29, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Thu
28 ° Fri
28 ° Sat
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Mariano Mateo, nag-resign bilang bese alkalde ng Romblon

    Mariano Mateo, nag-resign bilang bese alkalde ng Romblon

    DSWD may 16 warehouse sa Romblon na may nakaimbak na ayuda para sa kalamidad

    DSWD, target ilunsad ang Walang Gutom Kitchen sa Romblon

    DSWD may 16 warehouse sa Romblon na may nakaimbak na ayuda para sa kalamidad

    DSWD, planong magbukas ng satellite offices sa Romblon at Sibuyan islands

    Tuloy ang ayuda ng 4Ps sa kabila ng ECQ

    Mahigit 17,000 pamilya sa Romblon, benepisyaryo ng 4Ps

    Mga senior citizens sa Santa Maria, nakatanggap ng tulong mula sa PCSO Romblon

    Mga senior citizens sa Santa Maria, nakatanggap ng tulong mula sa PCSO Romblon

    Bagong bypass road, ipapagawa ng LGU Santa Fe

    Bagong bypass road, ipapagawa ng LGU Santa Fe

    Libreng pagpapalibing para sa mga mahihirap, batas na

    961 security personnel, itinalaga sa Romblon para sa Undas 2026

    DSWD may 16 warehouse sa Romblon na may nakaimbak na ayuda para sa kalamidad

    DSWD may 16 warehouse sa Romblon na may nakaimbak na ayuda para sa kalamidad

    DSWD, gumamit ng digital system para mapabilis ang pamamahagi ng UPLIFT cash assistance

    DSWD, gumamit ng digital system para mapabilis ang pamamahagi ng UPLIFT cash assistance

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Thu
28 ° Fri
28 ° Sat
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Sibuyan Island San Fernando

Promosyon ng turismo ng San Fernando, walang pondo sa 2026 budget

Romblon NewsbyRomblon News
January 14, 2026 - Updated On January 16, 2026
in San Fernando
Reading Time: 10 mins read
223
0
Cantingas River, patok na pasyalan sa Sibuyan Island
Share on FacebookShare on Twitter

Walang inilaan na pondo para sa promosyon at operasyon ng Municipal Tourism Office ng San Fernando, Romblon sa 2026 budget ng lokal na pamahalaan, matapos tanggalin ng Sangguniang Bayan ang mahigit ₱2.4 milyon na panukalang pondo para sa nasabing tanggapan.

Batay sa datos na inilabas ng San Fernando Public Information Office, tanging pasahod lamang ng isang regular na empleyado ang inaprubahan sa 2026 budget ng Municipal Tourism Office na nagkakahalaga ng ₱583,996.

Dahil dito, tuluyang tinanggal sa budget ang maintenance and operating expenses ng tanggapan na sana’y gagamitin para sa iba’t ibang gawain at programa, kabilang ang pagsasaayos at pangangalaga ng Cantingas River Resort, Casa del San Fernando, at iba pang proyektong pangturismo ng bayan.

Kasama rin sa mga tinanggal na pondo ang pambili ng office supplies, bayad sa telepono at internet, at subscription sa editing software. Inalis din ang humigit-kumulang ₱120,000 na pondo na nakalaan sana para sa Tourism Councils ng 12 barangay ng San Fernando.

Sa isang Facebook Live, ipinaliwanag ni Committee on Tourism Chairman Marcial Riano ng Sangguniang Bayan ng San Fernando na minabuti umano nilang bawasan ang operational expenses ng Municipal Tourism Office dahil, ayon sa kanila, mas maraming ahensya ng lokal na pamahalaan ang may mas agarang pangangailangan.

Ayon kay Riano, kabilang sa mga binigyang-prayoridad ang senior citizens, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at mga health center ng bayan.

Dagdag pa niya, nakaapekto rin sa naging desisyon ng konseho ang ulat na hindi umano nagamit nang buo ang pondo ng Municipal Tourism Office noong 2025, sa kabila ng malaking panukalang dagdag sa budget nito.

Gayunman, sinabi ni Riano na may posibilidad pa umanong maibalik ang pondo sa kalagitnaan ng taon, partikular sa buwan ng Hunyo, sa pamamagitan ng pagpasa ng supplemental budget, bagama’t hindi pa ito tiyak at nakadepende pa kung magkakaroon ng sapat na mapagkukunan ng pondo ang lokal na pamahalaan.

Sa kabilang panig, nagpahayag ng pag-aalala si San Fernando Mayor Fernando U. Marin sa kawalan ng pondo para sa Municipal Tourism Office, at iginiit na ang zero budget para sa operasyon ng tanggapan ay lubhang nagpapahina sa kakayahan nito na magplano, makipag-ugnayan, at maghanda para sa mga oportunidad sa turismo ng bayan.

Ayon kay Marin, mahalagang mabigyan ng sapat na pondo ang sektor ng turismo upang mapanatili at mapaunlad ang mga destinasyong panturismo ng San Fernando na maaari ring magsilbing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

Samantala, inaasahang ive-veto ng alkalde ang ilang probisyon ng ipinasang Appropriations Ordinance para sa 2026, kabilang na ang pagkakaltas ng pondo para sa Municipal Tourism Office, sa oras na mailabas ang opisyal na veto message ng lokal na ehekutibo.

Related Posts

6,000 kabahayan sa San Fernando, tatanggap ng tig-10 kilong bigas sa LGSF Rice Program

6,000 kabahayan sa San Fernando, tatanggap ng tig-10 kilong bigas sa LGSF Rice Program

October 27, 2026
40 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

40 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

October 18, 2026 - Updated On October 20, 2026

Popular Stories

  • Prov’l Gov’t muling tiniyak ang suplay ng anti-venom sa Romblon sa gitna ng mga ulat ng cobra sightings

    Hinihinalang juvenile King Cobra, natuklasan sa San Jose

    44 shares
    Share 18 Tweet 11
  • DSWD, gumamit ng digital system para mapabilis ang pamamahagi ng UPLIFT cash assistance

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
  • RNIT, nakapagpatapos ng 37 estudyante sa Mechanical Engineering Technology

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
  • Mga gamot na bawal pagsabayin: Biogesic, Neozep, atbp.

    26675 shares
    Share 10723 Tweet 6647
  • PBBM, nag-utos ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan at maagang pagtukoy sa panganib ng karahasan

    13 shares
    Share 5 Tweet 3
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

SP Bing Solis, hinimok ang publiko na makiisa sa PSA census

6,000 kabahayan sa San Fernando, tatanggap ng tig-10 kilong bigas sa LGSF Rice Program

San Jose LGU, nagpasalamat kay PBBM sa ₱30-M LGSF at dagdag na ayudang bigas

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up