Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Romblon pasado alas-5:30 ng umaga nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa 21 kilometro timog-kanluran ng San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon.
Naramdaman ang Intensity IV sa bayan ng San Fernando, habang umabot din ang pagyanig hanggang sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa naturang lindol.


































